Tagalog Jokes Collection 7
Marie: Patay na pala ang nanay mo, ano ang ikinamatay?
Maria: Nakunsumi sa tatay ko….
Marie: eh, ikaw, ano naman ang ikinamatay ng tatay mo?
Maria: Nakunsumi sa akin, bakit?
————————
Inay: Anak! Ano ang ginawa mo sa alaga mo, bakit mo binawasan ang tubig? Halos wala na….
Anak: Inay! Mahal na mahal ko ang isda ko, hindi kasi siya makahinga, nalulunod..
————————
MAY DALAWANG LASENG, NAGLALAKAD SA DILIM MERON SILANG NADAANAN NA NAPAGKAMALAN NILANG KALAMAY.
LASENG 1: Pare, kalamay yan, kasi kanina may naholdap na tindera dito, baka kinuha ang pera at tinapon ang kalamay. Kalamay yan pare.
LASENG 2: Pare! tae yan ng kalabaw o tae ng baka. Mabuti pa tikman natin….
LASENG 1: O, sige pare sabay tayo tikman natin.
LASENG 1&2: O,o, nga tae…Tae nga! Buti na lang hindi natin natapakan…
hahaha…
————————
SI TABA: Doctora gusto naming mag-palaypo kasi sobra na ang taba ko…
DOCTORA: Ikaw puwede, kasi sobra na ang taba mo, pero itong kasama mo hindi..
SI TABA: Matagal ko na po itong kaibigan, hindi lang po siya tumataba…
DOCTORA: Puwede ba si payat doon muna sa labas?
SI TABA: Eh, doctora…kasi siya ang mag babayad. Ang usapan namin, Lahat ng makukuhang taba sa akin ay isasalin sa kanya…
————————
TUMATAE SI TONYO SA LIKOD NG BAHAY NILA RONNIE, NAKITA NI RONNIE SI TONYO NA NAKA-UPO..
RONNIE: Ano ang ginagawa mo diyan sa likod ng aming bahay?
TONYO: May nakita akong ibon dito ang laki….hinuli ko tinakpan ko ng sombrero ko.
RONNIE: Umalis ka diyan! Amin yan!
TONYO: Ikaw na ang humuli sa ibon,dahan-dahan lang baka lumipad..
RONNIE: Ako na ang bahala diyan..
TONYO: Ingat baka lumipad, good luck!
————————
PANGAKO SA IYO IPAGLALABAN KO
Amang: Sir! Bakit naman po si Tita Glo, palaging nangangako wala naman pong natutupad?
Sir: Aba! Amang, Loko ka pala! Anong akala mo madaling mangako?Masuerte nga kayo nangako si Tita Glo, kahit pangako meron kayo…Nangako na nga siya tutuparin pa niya…Ano kayo hilo?
Amang: Mabuti nalang sinabi ninyo,aasa pa kami, salamat po…
————————
NAGKITA SA LANGIT SI MARCOS AT SI NINOY, NAG-USAP ANG DALAWA…
MARCOS: Patay kana pala Ninog! Bakit hindi ka man lang nag-paalam sa akin?
NINOY: Kunwari ka pa, hindi ba ikaw ang nagpapatay sa akin…
MARCOS: Ang pinpatay ko iyong bumaril sa ulo mo, kaya malinis ang pagpatay sa iyo, kita mo wala pang resulta ang kaso mo hanggang ngayon, mahusay di ba!
NINOY: Buti nalang pinaliwanag mo, kung hindi isusumbong kita kay San Pedro…