Talk Funny Jokes

Collection of Funny Jokes, Pictures and Stories
Home » Archive by category 'Man'

Tagalon Collection Conversation Jokes

LOLO: Gino, paabot nga ng kape ko.

APO: ‘lo, Gina po.

LOLO: Gino, paabot nga ng kutchara.

APO: ‘lo, Gina po.

LOLO: Punyeta ka, Gino! Tigil-tigilan mo yang kabaklaan mo!

 

==================================

 

BF: Kunwari nakapulot ako ng 30.

GF: Oh tapos?

BF: Tapos bumili ako ng hamburger 18 pesos ang isa. Magkano
sukli ko?

GF: 12 pesos.

BF: Bobo! Dos lang! Bente lang yung binigay ko. Bakit may nakita ka bang 30 pesos na buo? Tsk!

 

==================================

Tatay: ikaw ba ang kumuha ng pera sa wallet ko?

Anak: hindi ko po marinig.

Tatay: ikaw ba ang kumuha ng pera sa wallet ko?
(Pasigaw)

Anak: hindi ko po marinig.

Tatay: (Galit na galit) ikaw ba ang kumuha ng pera sa
wallet ko?

Anak: hindi ko po talaga marinig. Palit nga po tayo.
Dito ka diyan ako.

(Nagpalit ng pwesto)

Anak: Sino po yung babaing kasama niyo kagabi?

Tatay: oo nga hindi marinig.

Pickup Lines Jokes | Tagalog

Boy: Kukunin ko ang mga bituin at ibibigay ko sa iyo!

Girl: Shut up! Hindi mo nga makuha yang kulangot mo, bituin pa!

Boy: Ay sorry, hindi ko alam na ito pala ang gusto mo!

Boy Girl Tagalog Jokes | Pick Up Lines

Boy: miss, talon ka na jan.

Girl: bakit naman?

Boy: para mahulog ka sa akin.

Girl: ah? ganun? alam mo para kang manhole

Boy: wow! gumaganti ah., bakit naman?

Girl: tanga lang ang mahuhulog sayo

Ilog Joke | Filipino Jokes

(sa isang ilog…)

Balong: Bata! Mababaw ba yung ilog?

Bata: Opo!

Balong: (tumalon!) Saklolo! Saklolo! LOKO KA!! bata ka! Sabi mo mababaw, ang lalim pala!

Bata: Mababaw lang po talaga ,kasi po kanina tumawid pa nga po yung bibe jan eh, cool na cool lang..

Lasing Joke | Conversation

Lasing1: Oi pare, ang gwapo mo!
Lasing2: Pare ikaw din.!
At malakas na halakhak ang lumabas sa bibig ng 2 lasing BwaHaHaHa.
Lasing1: Ang birthday ko, October 15 1984, ikaw pare kailan birthday mo?
Lasing2: Aba! October 15 din ako, at 1984 din ‘yong birth year ko!
Lasing 1 at 2: BwaHaHAHa!
Lasing2: Pare, nagtapos ako ng high school sa Manila High. Ikaw pare?
Lasing1: Ha? Akalain mong don din ako nagtapos!
Eh ang name ng tatay ko ay Rudy at ang ang nanay ko si Maria.
wag mong sabihin na ‘yon din name ng parents mo?
Lasing2: Pare, ‘yon din pangalan nila! Ang apelyido ko Pascual, sa ‘yo
Lasing1: Pascual din pare, pareho tayo! BwaHaHaHa!

(narinig sila ng bartenter at binulungan nya ang katabi nya)

Bartenter: Tol’, ‘yong kambal na Pascual lasing na naman.