sa loob ng isang kwarto sa mental hospital may tatlong pasyente… isang araw dumalaw ang doctor
pag pasok ng doctor nakita nia si pasyente 1 nagbabasa ng libro
doctor: aba! nagiimprove ka na a!
pasyente 1: i merely want to kill the time and so i ended up picking a random book
doctor: maganda yan, big words a
paglingon ng doctor nakita nia si pasyente 2 nagsusulat
doctor: aba! isa ka pa! nagiimprove ka na a! mabuti yan!
pasyente 2: nagsusulat lang po ako ng nobela. aktibo po kasi imahinasyon ko ngaun e.
doctor: good good. pagkatapos pabasa ako a..
pagkatapos magusap ng doctor at ni pasyente 2 nakita nia si pasyente 3 natayo sa lamesa at open arms pa!
doctor: hoy ikaw! bumaba ka dian! bakit di mo gayahin tong dalawa na to! walang pagbabago sa iyong kalagayan
pasyente 3: doc ako po ang ilaw!
doctor: anung ilaw ka dian! bumaba ka nga dian [hinatak ng doctor si pasyente 3 pababa ng lamesa]
pasyente 1 at pasyente 2: ay! langya yan bastusan! may nagpatay ng ilaw!